Saturday, September 4, 2010

I AM SAD

ako ay malungkot. at hindi ko alam. siguro alam ko, pero hindi ko lang inaamin. oh nga. alam ko. pero pinipilit kong huwag isipin dahil hindi naman dapat. di naman dapat ganito ang nararamdaman ko ngayon. dapat okay lng ko. relax kumbaga. chill. pero di ko maintindihan kung bakit ang bigat ng damdamin ko. halos anim na araw ko na itong nilalabanan at sinasabi ko sa sarili ko na "hoy! magising ka nga! dapat masaya ka ngayon!" pero hindi eh. kahit anong ngiti ko, kahit anong tawa ko, may kulang pa rin. haaaaaay ewan. ewan ko kung anong gagawin ko. hindi ko talaga alam. siguro nga dapat sinuntok ko na ang sarili ko. bahala na si batman.

No comments:

Post a Comment