Sunday, February 16, 2014

SPEAK NOW OR FOREVER HOLD YOUR PEACE


  1. Sa lalakeng minahal ko ng totoo ngunit natapos ang aming kwento noong Dec 23, 2010, pwedeng magtanong BAKIT? Pwede bang malaman ang mga dahilan kaya nasabi mo yun? Duwag kasi ako noon. Di ako handang marinig ang mga ipapaliwanag mo. Ngayon handa na ako, at sa tingin ko, ang sagot mo sa katanungan ko ang makakapagbigay tahimik sa loob ko. Ito ang kailangan ko para makapagsimula na talaga ako muli ng maayos.
  2. Pagod na ako sa thesis. Hindi ako magpapakabayani para sabihing "okay lang" o "kaya ko" dahil sa totoo lang, hindi okay at umaabot na ako sa puntong hindi ko na kaya. Uhm, kinakaya ko pero ang hirap. Napakahirap. Nahihirapan na ako. Nandito na ako sa puntong di ko na alam ano ang gawin, ano ang susunod na gawin dahil wala na talaga akong ideya para sa thesis namin. Kumbaga, nasa dead end na ang utak ko. Alam ko merong namang solusyon pero di ko alam ano yun. Walang wala. Blankong blanko na ang utak ko. Gusto kong magtrabaho pero di ko alam kung ano naman ang tatrabahuin ko. Ang sakit. Napakasakit. Ang gulo. Napakagulo. 
  3. Bakit ba hindi pantay ang buhay? Gusto kong maintindihan bakit.
  4. Pasensiya na. May pinagdadaanan lang.

No comments:

Post a Comment