Sunday, October 28, 2012

KAPITAN AMERIKA



KAPITAN AMERIKA

Kapitan Amerika
Nasaan ka na?
Mapaglalaanan mo ba ako?
Ng kahit konting panahon mo?

Naiintindihan ko
Ang mga tungkulin mo
Ikaw ang tagapagligtas
Ng mundong kumukupas

Pero paano naman tayo?
Naiisip mo ba ako?
Paano ang ating bukas?
Pangakong pag-ibig na wagas?

Araw ng ating pagkikita
Ako'y tinawagan mo pa
Pero sadyang napakasaklap
Bumagsak ka mula sa alapaap

Ikaw ay nakatulog
Habang ako'y sabog na sabog
Naghihintay sa muling pagmulat
Ng mga mata mong sikat

Di ko kayang maghintay
Wala akong habambuhay
Napakahabang panahon
Ng pitumpung taon

Ngayo'y gising ka na muli
Sana nga'y di pa ako huli
Mapapatawad mo ba ako?
Sa biglang paglisan ko?

Kapitan Amerika
Nasaan ka na nga ba?
May pag-asa pa kaya?
Ang pag-ibig nating dal'wa?

Kapitan Amerika
9x12 Sketchpad
Mongol No. 2 Pencil
All rights reserved

No comments:

Post a Comment