Sunday, January 9, 2011

SAD

gusto ko ito ang title ng post ko ngayon. para parang ironic masyado ang drama. sad ito. tapos ang kasunod na post is happy. oh ayan maganda. good combination.

oo. malungkot ako ngayon. last week ko pa talaga to nararamdaman. palagi ko lang dinedeny sa sarili ko. kasi wala naman akong dahilan para ma sad. yun ang palaging nilalagay ko sa utak ko. pero nung friday. ewan. tinamaan na talaga ako. hanggang kahapon. mas lalo na ngayon. kung hindi pa ako pumunta sa birthday dinner ni ron kahapon, siguro nga nabaliw na ako ngayon.

hindi ko talaga alam bakit ako malungkot. pero ewan. umiiyak na ako ngayon. bigla na lang tumulo ang mga luha ko. at alam kong totoo ito dahil kahit anong pilit kong gawin para pigilan sila, tumutulo pa rin. at malalaki pa talaga ang patak. yung halos matabunan na ang buong mata ko ng tubig, pinipigilan ko ngunit patuloy pa rin ito sa pagtulo. ayan. umiiyak na naman ako. umiiyak na talaga. pwede tama na?

birthday, integral at nangungulila --- yan sila tatlo ang mga dahilan kung bakit ako malungkot. bago ko lang napagtanto. palagi ko kasi itinatatwa pero ngayon pumasok na talaga sila sa isipan ko.

birthday - di ko alam ano gagawin ko. gusto ko maging memorable pero di ko alam paano. nahihiya naman akong manghingi sa parents ko ng pera. actually parang ayaw ko na maghanda o manlibre. para kasing di ako fully makakasaya dahil sa iniisip kong integral ngayon. oo sabihin niyo na baliw ako. pero yan lang talaga nararamdaman ko ngayon. sorry. pasensya na. gusto kong lumigaya. pero ewan paano. siguro naman maiintindihan ng mga kaibigan ko kung di muna ako maghahanda o manlilibre ngayon. sa susunod na lang. pag marami na talaga ako pera. gusto ko rin maghingi na lang ng piano as a gift. dslr sana pero mahal pa masyado. siguro piano pwede na? pero nahihiya pa rin ako. mahal pa rin siya. naiisip ko na ipambabayad na lang yun sa tuition ko. oh di ba? marami akong gustong mangyari. pero wala lang pera. kaya cancelled na lang muna lahat. alam ko pwede naman maging masaya kahit walang perang involved. di ko lang alam paano. somehow napagod na ako sa kaka-isip. kaya tinanggap ko na lang as of last week pa na magiging ordinaryo lang ang jan 19. magsisimba. makakatanggap ng mga mensahe. aside dun, im not expecting anything more.

integral - oh alam na. 68 ako. exam namin bukas. sana nga makaperfect ako. para mabawi ko na talaga ang 68. ayokong mabagsak. di dahil sa nakakahiya, di dahil baka sabihin nilang bobo ako, di dahil sa baka mapag iwanan ako, di dahil sa baka husgahan nila ako --- makakaya kong tanggapin lahat ito. pero ang dahilan na gagastos ulit ako pag akoy nabagsak, yun ang di ko kaya. yun ang ayaw ko. ayaw ko ng mahirapan ang mga magulang ko sa kakatrabaho at kaka-isip paano i-budget ang aming pera. nag aaral akong mabuti para pumasa talaga dahil gusto kong maka graduate sa ateneo de davao university sa kursong bachelor of science in electronics engineering. kung noon, nag dalawang isip ako sa arki, ngayon di na. sigurado na ako sa ece at masaya na ako dito. pinaglaban ko to na lilipat ako ng paaralan at magshishift ako. dahil nga ito ang gusto ko. kaya lang, medyo nahihirapan ako. sana lang. sana. sana nga. malampasan ko to. gusto kong pumasa! ayokong mabagsak! gusto kong grumaduate ng ece! gusto kong maging Engr. Dinelle Aubrey L. Amper, PECE.....

nangungulila - di ko lang alam kung "sino" ba or "ano". basta ang alam ko may kulang talaga sa akin ngayon. i feel so empty. oh tawagin niyo ng korni. pero totoo. di ko lang alam kung ano o sino ang kulang sa akin. tao ba o bagay. ewan. basta kulang ako ngayon. kulang na kulang.


PAANO KO BA MAGAGAWANG MEMORABLE ANG AKING KAARAWAN?
PAANO KO BA MAALIS ANG KABA SA AKING DIBDIB SA TUWING INTEGRAL NA ANG PAG-UUSAPAN?
PAANO KO BA MALALAMAN KUNG SINO O ANO ANG SA AKIN AY KULANG?
PAANO?

*umiiyak*
:'((


No comments:

Post a Comment