Dear God,
Eto na naman po ako. Nagsusulat ng isang blog post para sa inyo. This time, medyo Filipino po ito. Tagalog and English. Taglish for short. Hahaha! Sige lang, alam ko naman matalino ka. Alam mo lahat ng languages sa mundo. Kahit siguro jejemon, yung bagong sibol na language ngayon, alam mo rin. Syempre, ikaw ata ang “Maker of All Things. “ :)
Anong meron ngayon? Uhm, gusto ko lang po humingi ng tawad ulit. Di na naman ako nakapagsimba ngayon. Kaya nga naisip ko gawin ulit ito, itong blog post. Napagtanto ko na kung di man ako makakapagsimba, etong blog post na lang ang gagawin ko. Alternative kumbaga. Ito rin naman po ay isang paraan ng pakikipag-usap sa inyo, kaya okay na rin. Unique pa nga diba? :) Alam ko sa kahit anong paraan, kahit sa mga panaginip pa namin, nakikinig ka rin at iniintindi an gaming mga hinaing. :)
Gusto ko pong magpasalamat. As in super duper uber MARAMING SALAMAT to the nth power! Para saan? Para sa piano slash keyboard. Yezz!!! Unti unti na po akong natututo. May alam na po akong 5 kanta na i-play. Pero hanggang first chorus nga lang o di kaya ay intro. Haha! Pero okay na yun. At least natututo ako slowly but surely. :) Salamat din po nung last April 5, Tuesday. Nung na stranded kami sa kanto dahil sa baha? Hahaha! Oo, yun iyon. Salamat po dahil kahit mataas na yung baha, kahit inumaga na kami sa kakahintay doon para lamang ito humupa, di niyo pa rin kami iniwan. Binantayan niyo kami at binigyan pa ng tulong. You know, yung army truck, 911 at rubber boats. Salamat din po sa Hao family dahil pinasakay nila kami sa kanilang sasakyan kahit ang dami ng dala namin. :) Salamat sa patuloy na agos ng mga biyaya. Salamat sa kaligayahan. Salamat sa pagmamahal. Salamat sa aking pamilya. Salamat sa aking mga kaibigan. Patuloy niyo po kaming gabayan. Keep us all away from harm and any danger.
At tungkol po dun sa naiisip ko ngayon, alam niyo na po yun. Uhm, di ko po talaga alam kung anong dapat kong isipin at gawin. So I think, sa ngayon, kayo na lang po muna bahala. Di ko muna masyado iisipin. I’ll just enjoy summer and make the most out of it. :))))))))))
THANK YOU! I LOVE YOU! MAKE ME ENJOY SUMMER MORE! :)))))))))))))))
Love,
AKO. :)
No comments:
Post a Comment