oo. aaminin ko. umiiyak ako habang ginagawa ko to. idagdag mo pa diyan ang senti songs na nasa winamp ko ngayon. the only exception, the day you said goodnight acoustic version, never say never (the fray ha! hindi yung kay justin bieber.), hiling (yung may lines talaga nila na "is this about me leaving?" kinonvert ko ang video to mp3. salamat sa any video converter.) --- oh yan. yang mga yan ang bida ng playlist ko ngayon. pa balik balik. sino ba naman daw ang hindi maiiyak aber? kahit siguro si TD, kung nakaka iyak lang siya, ay umiyak na rin ngayon kasabay ako.
grabe. isang word lang ang makakapag describe sa akin ngayon - PRESSURE. bago ko lang napagtanto. sa lahat ng nangyayari sa akin ngayon, tinatablan na ako ng pressure. di ko nga namalayan eh. yan din pala lesson namin sa physics ngayon. tapos di pa ako nakikinig ng mabuti. dapat pala pinakinggan ko yun ng mabuti. para malaman ko kung ano ba dapat gawin para lumiit ang pressure. ah naalala ko na. PV = nRT. so para lumiit ang pressure, dapat liitan ko si whaaaaaaaaat?! TEMPERATURE!? hahahahahahaha!!!!! funny man ito ui. nakakatawa! super laughtrip! bakit?! eh kasi, COLD na nga ako ngayon eh. member na nga ng SMP (samahan ng malalamig ang pasko). so, bakit pa ba mataas ang pressure na nararamdaman ko?! hmm. alam ko na. ang liit ni volume. kahit anong kain ang gawin ko, 40 kgs pa rin ako. siguro nga. siguro yan ang dahilan. na kahit COLD ako ngayon at mababa na si temperature, mataas pa rin si pressure dahil ang liit ni volume. sigh sigh sigh. kung kasing galing lang ni einstein ang utak ko sa pag lalaro ng mga equations, gagawa ako ng isang panibagong equation na makakaliit sa value ng pressure. yun nga lang, hindi ako si einstein. kaya wala akong magagawa kundi tanggapin ang pressure na ito at humanap ng outlet para mapalabas ito. o mas maganda, gumawa ng paraan para maging pantay ang inner at outer pressures para di na magkaroon ng gulo. mga boiling points.
haaaaaay. yan na lang muna ang masasabi ko ngayon. gusto kong sumigaw. gusto kong manuntok ng tao. gusto kong makipagsabunutan. gusto kong makipag away. pero dahil alam kong mali ang lahat ng iyon, di ko gagawin. kaya ngayon andito ako, naka upo, nananahimik, at sumusulat na lang dito sa blog ko. let my mind do the talking na lang. umiyak kung di na makayanan. ganyan naman talaga ang buhay eh. at ang pag iyak ay hindi isang simbolo ng kahinaan. bagkus ito'y nagpapatunay lamang na ikaw ay matapang dahil tinanggap mo ang hamon kahit mahirap at nakayanan mong umiyak, AMININ na hindi mo na kaya. dumarating naman talaga sa buhay natin ang mga pagkakataong di na talaga natin kaya. nasa pag iyak lang yan. pagpapalabas ng sama ng loob. after all, pagkatapos ng iyak mo, di mo lang napapansin, lumalakas ka. may isang panibagong IKAW ang uusbong. wala na ang mga hinanakit at mga sama ng loob. napalabas mo na lahat eh. iniyak mo na di ba? kaya ngayon, iiyak ako. depende na nga lang kung may tutulong luha. oh baka bukas. oh sa makalawa. depende. depende na lang talaga. ayoko na pati sa pag iyak ko, ay ma PRESSURE pa ako kung ngayon ba o bukas, kung may lalabas bang luha o wala.
BOTTOMLINE IS, I'M SAD. AND SOMEHOW I'M A BIT FRUSTRATED. WHY? BECAUSE I WANT TO BE HAPPY THIS CHRISTMAS. BUT IT SEEMS THAT DESTINY PUT ME ON THE OTHER SIDE.
*cries*
No comments:
Post a Comment