Monday, November 29, 2010

PV = nRT

napag-isipan kong mag post ulit dito. hindi ko alam kung bakit. wala pa sana akong balak. pero parang di ko na yata kaya ang mga dinadala ko ngayon. kaya mabuti na lang at merong blogspot. savior ka talaga ng buhay ko. to the rescue ika nga.

oo. aaminin ko. umiiyak ako habang ginagawa ko to. idagdag mo pa diyan ang senti songs na nasa winamp ko ngayon. the only exception, the day you said goodnight acoustic version, never say never (the fray ha! hindi yung kay justin bieber.), hiling (yung may lines talaga nila na "is this about me leaving?" kinonvert ko ang video to mp3. salamat sa any video converter.) --- oh yan. yang mga yan ang bida ng playlist ko ngayon. pa balik balik. sino ba naman daw ang hindi maiiyak aber? kahit siguro si TD, kung nakaka iyak lang siya, ay umiyak na rin ngayon kasabay ako.

grabe. isang word lang ang makakapag describe sa akin ngayon - PRESSURE. bago ko lang napagtanto. sa lahat ng nangyayari sa akin ngayon, tinatablan na ako ng pressure. di ko nga namalayan eh. yan din pala lesson namin sa physics ngayon. tapos di pa ako nakikinig ng mabuti. dapat pala pinakinggan ko yun ng mabuti. para malaman ko kung ano ba dapat gawin para lumiit ang pressure. ah naalala ko na. PV = nRT. so para lumiit ang pressure, dapat liitan ko si whaaaaaaaaat?! TEMPERATURE!? hahahahahahaha!!!!! funny man ito ui. nakakatawa! super laughtrip! bakit?! eh kasi, COLD na nga ako ngayon eh. member na nga ng SMP (samahan ng malalamig ang pasko). so, bakit pa ba mataas ang pressure na nararamdaman ko?! hmm. alam ko na. ang liit ni volume. kahit anong kain ang gawin ko, 40 kgs pa rin ako. siguro nga. siguro yan ang dahilan. na kahit COLD ako ngayon at mababa na si temperature, mataas pa rin si pressure dahil ang liit ni volume. sigh sigh sigh. kung kasing galing lang ni einstein ang utak ko sa pag lalaro ng mga equations, gagawa ako ng isang panibagong equation na makakaliit sa value ng pressure. yun nga lang, hindi ako si einstein. kaya wala akong magagawa kundi tanggapin ang pressure na ito at humanap ng outlet para mapalabas ito. o mas maganda, gumawa ng paraan para maging pantay ang inner at outer pressures para di na magkaroon ng gulo. mga boiling points.

haaaaaay. yan na lang muna ang masasabi ko ngayon. gusto kong sumigaw. gusto kong manuntok ng tao. gusto kong makipagsabunutan. gusto kong makipag away. pero dahil alam kong mali ang lahat ng iyon, di ko gagawin. kaya ngayon andito ako, naka upo, nananahimik, at sumusulat na lang dito sa blog ko. let my mind do the talking na lang. umiyak kung di na makayanan. ganyan naman talaga ang buhay eh. at ang pag iyak ay hindi isang simbolo ng kahinaan. bagkus ito'y nagpapatunay lamang na ikaw ay matapang dahil tinanggap mo ang hamon kahit mahirap at nakayanan mong umiyak, AMININ na hindi mo na kaya. dumarating naman talaga sa buhay natin ang mga pagkakataong di na talaga natin kaya. nasa pag iyak lang yan. pagpapalabas ng sama ng loob. after all, pagkatapos ng iyak mo, di mo lang napapansin, lumalakas ka. may isang panibagong IKAW ang uusbong. wala na ang mga hinanakit at mga sama ng loob. napalabas mo na lahat eh. iniyak mo na di ba? kaya ngayon, iiyak ako. depende na nga lang kung may tutulong luha. oh baka bukas. oh sa makalawa. depende. depende na lang talaga. ayoko na pati sa pag iyak ko, ay ma PRESSURE pa ako kung ngayon ba o bukas, kung may lalabas bang luha o wala.

BOTTOMLINE IS, I'M SAD. AND SOMEHOW I'M A BIT FRUSTRATED. WHY? BECAUSE I WANT TO BE HAPPY THIS CHRISTMAS. BUT IT SEEMS THAT DESTINY PUT ME ON THE OTHER SIDE.

*cries*

Saturday, November 20, 2010

BISAYA

kaila ka ug sad kaayo ko karon? haha. ambot lang naunsa na ko. basta ang sure lang, SAD jud ko. kung naa pay sobra sa word na sad, AKO NA TO.

bagsak ko sa first ever integ exam. kaila kag sagad kaayo akong score?! mas gamay pa sa ma imagine nimo na gamay. first ever so sayon jud siya kay first gud. mga basic pa lang. pero unsay nahitabo!? i messed it up. ambot naunsa ko katong day na to. basta ang maremember lang jud na ko gikulbaan ko na wala na ko kabalo unsa dapat isipun ug unsa dapat unahon. ambot lang pud ngano gikulbaan ko. mao nang mas makalagot. mas maka sad. sayon na gani, wala pa jud ko ka answer. *(^&%#(!&@$)!^$&%$)!^$%)!)@%&@^$* :'(((((

mao na karon, wala ko kabalo unsa dapat buhaton. basta ang sure lang, magstudy ko. magpakalunod sa study kay gusto jud nako mubawi gikan sa sagad kaayo  na score sa first exam. maka depress. sakit kaayo sa heart. mas sobra pa sa gibyaan ug uyab. bahala na jud wala koy lovelife, BASTA PASA KO SA INTEG! MUPASA KO SA INTEG! unta. unta jud. di ko gusto mabagsak. di jud ko. kabalo ko gina ingon nila na normal lang mabagsak sa engineering. pero lain jud sa feeling. gusto lang jud nako na mupasa ko. walay bagsak. ug straight ma regular. go galore. go galore. go fight win. pero huhuhuhuhuhu. sakit lang jud sa karon. sakit jud kaayo. mas sobra pa sa gibyaan ug uyab. :'((

INTEGRAL CALCULUS, BATI NA TAYO. HUWAG NA TAYONG MAG AWAY. PARA SMOOTH NA ANG TAKBO NG ATING RELASYON. PARA MASAYA NA TAYONG DALAWA FOREVER. SIGE NA. PEACE NA. :((

Sunday, November 14, 2010

IMMA BLOG

imma blog because i have many things to share.

imma say tonight was very fun. we invaded master's crib. (me, anin, rupu and mice) it was master's birthday so go galore. eat eat eat! food was very yum yum! we always look forward to master's birthday because of the food. haha. shrimps and crabs everywhere! plus the very yum kinilaw too. YEAH! until next year! for sure we're gonna be there again. :))

imma share.... uhm share what? hahaha! just love the girl talk that happened there at the party. it's been so long since i had that kind of girl talk. fuuuuuuuun! learned a lot! especially from mice, the philosophy major! YEAH! from high school love teams up to college relationships. the philosophy of man! men! woman! women! very true! imma apply it. >:)

imma shout outs to master. HAPPY CANDLE CAKES DAY FRANCIS IAN MALONE! next year, expect us to be there again. shrimp shrimp shrimp! haha.

what else? uhm. i think no imma's anymore. imma stop here. until next time. until the next blog post.

HIGH SCHOOL FRIENDS, LET'S GET REUNITED VERY VERY SOON!
HIGH SCHOOL REALLY NEVER ENDS! :DDD

Saturday, November 6, 2010

STEVEN R. MCQUEEN

he replied to my tweet!!! hahaha! i know it's kinda babaw but i don't care. i felt happy and it made me smile. hahaha. oh alam ko ang babaw ng kaligayahan ko pero sige na, pagbigyan niyo na ako ngayon. minsan lang ako ganito. hahaha! i love you jeremy! i love you steven r. mcqueen! hahaha! naloka talaga ako ng todo. :))


jeremy rocks!
jeremy-bonnie rocks!
THE VAMPIRE DIARIES ROCKS!

Friday, November 5, 2010

ADJUSMENT STAGE (TAGLISH MODE)

nagpag-isipan kong magtatagalog ako sa bagong post na ito. wala lang. gusto ko lang maging makabayan ngayon. isang taon na rin mula noong gumamit ako ng wikang tagalog. alam ko. hindi ito ang wikang pambansa ng pilipinas. wikang filipino oo. pero parte pa rin naman ang tagalog sa wikang filipino. baka kasi mapagalitan pa ako ng guro ko sa asignaturang filipino. hahaha.

ano ba ang ikukwento ko ngayon dito? marami. unahin na natin ang unang tatlong araw ko sa bagong semestre na ito. isa lang ang masasabi ko, kapoy. hahaha! hindi naman sa seryosohang pagod ako, oo nakakapagod nga naman talaga, pero ganyan naman talaga ang buhay ng isang estudyante di ba? aral dito. aral doon. walang tulog dito. walang tulog doon. kayod ng kayod. haha. pahirapan na nga ito. lalo na at integral calculus na ako, physics 2 pa, at may schedule pang walang break tuwing martes at huwebes. oo nagpapasalamat na ako dahil wala akong klase sa gabi pero yun nga. baka makatulog ako sa panghapon ko na klase tuwing martes at huwebes dahil wala kaming break --- walang oras para makasaglit ng tulog. haha. medyo mataas-taas din ang break namin tuwing lunes, miyerkules at biyernes. oo masaya pero butas naman ang bulsa. haha. dahil nga break, walang magawa. kaya ang resulta, punta ng foodcourt at kumain. o kaya punta sa isang lugar at kumain pa rin. haha. butas na butas na talaga pati pitaka. pero ngayon lang siguro to. di pa kasi klaro ang mga klase. walang teacher. o kaya naman ang teacher ay ayaw pa magturo. sa bagay, estudyante nga may hang over pa sa sembreak, teacher pa kaya? haha.

pero sa pangkalahatan, nagpapasalamat pa rin ako sa schedule ko. maganda na kumpara sa iba na ang laki ng mga vacant at may klase pa sa gabi. masasanay lang din ako nito. bago pa kasi. adjustment  stage pa kumbaga. masaya na rin. basta't may kasama ka tuwing vacant period mo at tuwing haggard ka na masyado dahil sa sobrang stress sa pag-aaral. salamat sa mga kaklase ko. salamat ece friends. ^_^

pero eto na ata ang pinaka-bonggang rebelasyon sa nakuha namin sa unang tatlong araw na ikalawang semestre. tenteneneeeeeeeeen!!! si ma'am ferraren ang guro namin sa integral calculus!!! hahahahaha! ang isa sa mga pinakatatakutang guro sa buong ea division. hindi sa nangangain siya ng estudyante, mahirap lang talaga siya magbigay ng exams. yung tipong piga talaga ang utak mo sa kakaisip ng sagot at sa pag-aalala kung tama ba ang mga sagot mo o hindi. hahaha! dalawang beses ko na siya naging guro. una sa college algebra. at ikalawa sa analytic geometry. at aaminin kong, kayod kalabaw talaga ako noong mga panahong iyon. haha! sa kanya lang ako nakaranas ng scores na 54%, 60%, final grade na 79 at unang bagsak sa isang prelim grade na iniyakan ko talaga, 72. hahaha! oo, mahirap kapag ma'am ferraren ka. pero natutunan ko noong under pa ako niya, hardwork lang talaga. pag ma'am ferraren ka, expected na talaga na extended hours of practice at kayod todo max. no calculators pa so double work talaga. so eto nga, hello ma'am ferraren kami lahat. hello kapoy. pero itchuki. sabi pa nga niya it's for us also. tama nga naman. this is for us to improve our analytical skills. ^_^ (nandyan na naman si analytical skills. hahaha!) kakayanin ko to! mag-aaral ako! papasa ako! :))
pansin ko lang, taglish na ata ako sa parteng ito ng post ko? hahaha! sige lang. patuloy.

ano pa ba ikukwento ko? ay eto. masaya lang. dahil sa wala pa masyadong klase, bonding kami mga classmates. masaya ako dahil mas lumawak na kami. pag lunch kasama na namin sila ron, nem, harl, teng, fishy, meg. minsan naman kasama namin si mary ann (my dear anak. haha.) at si kakay. see?! the more the merrier! ang saya! haha. lalo na at close close na rin kami mga boys. and i'm loving it. masaya din kasi pag marami ka friends na boys. at least you know what they feel. right ron? tama ba? hahaha! at si jong ay nag enroll na rin kanina so go galore! can't wait for a fun filled second sem again. pero yun nga. hindi rin dapat alisin sa mindset ko na kelangan kong mag-aral para pumasa. dahil duguan na nga ang mga subjects ngayon. go study go.  ^_^

at para sa huling talata na eto, oo nga, palagi na lang huli. di ko kasi alam kung ano ang una kong sasabihin --- kung paano ko sisimulan ang isang istorya na may topic na ganito. ang bobo ko pagdating sa mga ganitong kwento. oo. bobo. hahaha! wala na akong ibang maisip. basta ganun. mahirap.

oh eto na. (inhale exhale) cold stage --- isang instance sa buhay mo kung saan mararanasan mo kung may special someone ka o kahit di special someone, pwede rin kapamilya, kaibigan, o sa madaling salita, taong mahal mo. sa kaso ko, special somene ang para sa akin. ito ay yung tipong may pinagdadaanan kayo. oo, problema. hindi kayo okay. sa kaso namin (namin na talaga. sinali ko na siya. haha.) may problema nga. i mean, nabagsak siya sa integral calculus niya. nalito siya kung magshishift siya o hindi. hanggang sa nakadesisyon siya hindi na lang at manatili sa kasalukuyang kurso niya. alam ko mahirap. napagdaanan ko na rin kasi yan. mahirap ang lahat. panibagong buhay. adjustment stage na naman. maraming kelang i-adjust. studies, friends, family, environment, at siguro, ako na rin. parte ako ng buhay niya (siguro. haha.) kaya kasali ako sa kelangan i-adjust. too sad i think i am at his last priority (okay lang. tanggap ko rin. and i guess ganun naman talaga dapat.), kaya ako ang kelangan isakripisyo. sacrificial lamb kumbaga. (kawawang ako. haha.) ayun. napansin ko talaga on the latter part of the sembreak na cold na siya sa akin at para bang hindi siya "siya". wala sa sarili? ewan. wala siya sa usual self niya. noong una binabalewala ko lang. pero katagalan, nagtaka na talaga ako at para bang hindi na ito pangkaraniwan. halos ayaw ko pang aminin at sabihin. hanggang sa nakapag desisyon ako na sumulat ng isang letter at doon ilagay ang lahat ng gusto kong sabihin. nagawa ko naman. (thank you LORD! na brave ko kadali. haha.) at ayun. confirmed. tama ang hinala ko na cold talaga siya. nagsorry siya and all. sinabi niya na may personal problems siyang pinagdadaanan ngayon at isa na dun yung about sa academics niya. ako naman, sinabi ko lang na sige okay. unahin mo muna yan. sinabi kong bibigyan ko muna siya ng time and space para makapag-isip at gawin ang mga dapat niyang gawin ukol sa stage na ito ng buhay niya. mahirap. pero kelangan. at kakayanin. hahuy hahuy. hanggang ngayon di pa kami okay. nagkikita nga sa school pero di naman nagpapansinan. nagpapansinan nga minsan pero hi at hello lang. konting ngiti. pero hindi talaga yung mga pasikat braces na ngiti. sa totoo lang, namimiss ko yung mga pasikat braces niya, yung mga gaya gaya puto maya moments niya sa akin. dumidila ako. gagayahin niya. didila din siya. susuntukin ko siya, sisigaw yan ng aray at sabay sabi ng please wag na. tama na. namimiss ko kapag pumupunta siya sa classroom namin para makita ako kahit sandali lang. mga sandaling kahit limang minuto lang ay masaya naman ako. aanhin ko ang isang araw kung di naman kami okay. siguro nga mas masaya yun. oo nga. mas masaya yung mga sandaling limang minuto lang pero alam namin okay kami, nagtatawanan. kahit non sense ang pinag-uusapan, tawa pa rin. pasikat na naman yung braces niya. didilaan ko na naman siya. gagayahin niya ako. susuntukin ko siya. WOAH. nakakamiss. kalungkot nga lang. noon yun. hindi ko na alam kung ano ngayon. adjustment stage. adjustment stage din ako. acceptance is the only key.

pero ang mas nakakamiss? si bird at si wormy. aaminin ko. i miss him calling me wormy. yung para siyang bata pag tinatawag niya ako ng wormy. at para din akong bata sumagot ng bird. wormy wormy wormy!!!!! --- isa sa mga text niyang di ko talaga binura dahil alam kong precious yun. tama nga. priceless possession sa ngayon. dahil di ko alam kung kelan ulit ako makakatanggap ng wormy wormy wormy na text message o kaya kelan ko ulit maririnig ang salitang wormy galing sa bibig niya. (kawawang wormy. kinain na siguro ng mga isda. haha.)


JAKE,

i don't know if you'll read this. i know you read my blog but i don't know if you've been reading it lately. i'll just leave it up to fate, to destiny, if you can read this or not. but if ever you do so, i just want you to know that, i'm here. i'm just here. if you need any help, or if you can't take some of life's hardest moments, i'm just a call slash text away. this is just one of life's test to you. like what i said just believe and trust in yourself. this will surely pass. i know it has been hard. it's hard for me too. it's hard for both of us i think. but i guess this is also for us, for us to have time for ourselves to reflect and fix all what's broken. i just hope you'll be back soon, that someday, i'll see your pasikat braces again. you'll call me wormy again. you'll text me aubrey again. i just hope. super hope. one day. we'll be back. i'm just here. you know where to find me. you're my greatest stalker. you know where i am even if i'm hiding. i miss my bird.

AUBREY


siguro nga, kung dati siya ang naghintay, siguro nga, siguro, ako naman ang dapat maghintay ngayon. sana lang di mapunta sa wala ang paghihintay ko.


"i was afraid this time would come
i wasn't prepared to face this kind of burden from within
i have learned to live my life beside you
maybe i'll just dream of you tonight
and if into my dreams you'd come and touch me once again
I'LL JUST KEEP ON DREAMING 'TILL MY HEARTACHES END"

--> naden, eeza, jolu, ron, nem --- thanks so much ktv mates! it helps. it really does help. sa uulitin. :)) salamat din sa mga okay lang yan dinz. i know funny pero hahaha! magstudy na lang ta ug integ! :))

-->koya xtian salamat din sa iyo. walang kapalit ang ating mga ym moments. alam ko marami pang darating na ym moments. sana di ka magsawa. wag mag-alala, gi-follow nata ni khim so PARTEY PARTEY! :))

-->salamat Lord sa pag gabay. so far nakakaya ko. at natututo ako. tulungan Niyo po ako. bagong semester na naman. panibagong mga pagsubok. please Lord, ayaw kong mabagsak. kaya to! study at hardwork lang. :))




:'((

Tuesday, November 2, 2010

NOVEMBER FIRST

first november post! actually, i really don't have any idea what to put here. i just want to use this time to post something for this month. november is my month of memories. i just hope that there are really many memories ahead waiting for me. i can't wait to fill my diary with such beautiful stories. :))

nov 3? school starts. so, less internet time. less blogspot. less posts. be back soon!

okay. I'LL SEE LIFE MORE BRIGHTLY! TAKE IT ON A POSITIVE NOTE! SMILE AND BE HAPPY! MAKE MORE WONDERFUL MEMORIES! LOVE LOVE LOVE! SECOND SEM, HERE WE GO. :))