Natapos na rin ang unang semester ko sa ADDU at ang ikatlong college semester ko sa kabuuan. Alam niyo naman siguro kung bakit naging ganito ang sitwasyon. :)) Yun nga. Nag-shift ako. Oh tama muna iyan. At marami pa akong ikekwento sa inyo dito ngayon. :))
Simula na talaga ng sembreak ko. Kung ang iba ay nag-aaral pa rin ngayon at nagkakandarapang habulin ang mga deadlines, heto ako nakatapat na sa laptop ko. Pwede na akong magbabad sa internet kahit 24 oras pa iyan. :)) Wala na kasing inaalala. :)) Nag twitter na ako at nag update na rin sa facebook ko. Natapos ko na rin ang kinababaliwan kong laro, ang plants vs. zombies. Sa ngayon ay inaalgaan ko na lang ang aking zen garden at palaro-laro ng mini games. :))
Partial sembreak na rin si mommy. :)) Siya kasi ang gumigising sa 'kin tuwing may pasok ako. Pero minsan naman, ako'y nag-aalarm sa 'king cellphone. Iyon nga lang may mga sandali talaga na hindi ako makagising sa tunog ng aking alarm. :)) Si mommy rin ang naghahanda ng aming agahan. Siya rin ang naghahanda ng "lunch" ng kapatid ko at maging sa akin noong ako'y nagbabaon pa. Superwoman nga raw siya ika niya. :)) Masaya si mommy tuwing wala kaming klase. Makakagising siya ng matagal. At ang pinaka-LOVE niya talaga --- mababantayan na niya ang kanyang FARMTOWN. :))
Sa susunod na linggo pa ata ang sembreak ng aking kapatid. Pero wala na iyong problema. May laptop na ako kaya hindi na kami mag-aaway sa kung sino man ang gagamit ng computer. WiFi na rin dito sa bahay. May bago na rin kaming Sony Home Theater System. Lahat ng ito ay dahil kay papa. Bago siya umalis ay sinigurado muna niya na magiging masaya at komportable kami dito. Kaya salamat sa iyo papa. Aalagan ko ito lahat. :))
Hindi ko pa rin maiwasang isipin ang mga grado ko. Kahit sembreak na ngayon, napapa-isip pa rin ako kung tama ba 'yung mga sagot ko sa departmental exam. Nakakaloka. Lalo na sa algebra, napiga talaga ang utak ko. Para bang naubusan na ako ng sunflower at pea shooter kaya nakapasok ang zombies sa bahay ko at kinain nila utak ko. :)) Pero kahit ganun, nananalangin pa rin ako na sana nga ay malaki ang marka ko sa lahat ng subjects ko. Sana ay mabawi lahat ng mga maliliit kong grado. At sana --- SUPER SANA --- maging DL pa rin ako. Magiging DL ako. Sa tulong ng aking pinakamamahal na KUYA, kaya ko 'to! :))
Ano na ngayon? Hmmm. Nag-iisip ng magandang gawin sa sembrea. Gusto ko kasing maging memorable ito at puno ng saya.
Bukas ay magbobonding kami ng mga kagrupo ko sa Literature. KPKK victory party daw. :)) Sa ktv ang aming destinasyon. May kumakalat na mag Memergrande pa raw pagkatapos. Pero hindi na yata ako makakasama. May lakad pa ako kinabukasan. Baka hindi na ako payagan. Alam ko naman kahit saan kami, basta kasama ko silang lahat, magiging masaya eto. Kami pa! :)) Ang saya kaya ng grupong ito. Hinding hindi ko kailanman malilimutan ang aming pinagsamahan. Na ng dahil sa KPKK na drama, nagkaisa kami at nabuo ang pagsasamahang ipinundar namin sa kapangyarihan ni GUGMA. :))
Sa 18 ay pupunta ako ng party. Debut ni Debdeb, kaklase ko nung high school. Parang magsisilbing despedida party na rin niya ito dahil aalis na siya sa Nobyembre papuntang Australia. Doon na siya mag-aaral. Darating rin si Chandy sa kaarawan ni Debdeb. Kaya naman hindi ako pwedeng umabsent. Kailangan kompleto kami para magkaroon kami ng family picture ulit. joinerz_07 :))
Sa 23 rin ay nagyaya si Jintot. jinTOTnidate nga raw. :)) Agad naman akong pumayag at hindi na nagdalawang isip pa. Namimiss ko na rin ang jinTOTnidate. Kaya naman ay hindi ko na palalagpasin pa ang araw na iyan. :))
Nagyaya a rin si Dora. Gusto na nga raw niyang "bumalik" sa CO2. Ako'y natatawa. Hindi naman siya umalis. Eh bakit pa siya babalik? Sagot naman niya. Siya raw mismo ang "nagpawala" ng kanyang landas. Kaya siya na rin mismo ang babalik. Pero kung sa amin lang, hindi naman talaga siya umalis kaya anytime, welcome na welcome siya sa amin. Hindi rin naman matatawag na CO2 ang CO2 kung wala siya. Lima kami. Hindi kailanman iyan mababago kahit bagyong ondoy at pepeng pa ang rumagasa sa amin. :))
'Yan lang muna sa ngayon. Magpopost ulit ako sa mga susunod na araw. Tinatawag na ako ni mommy. Magbabarbecue muna ako ng karneng baboy. Ulam namin ngayong gabi. :))
No comments:
Post a Comment