Sunday, March 10, 2013

STRAIGHTJACKET FEELING

Taglish muna tayo ngayon ah. Punong-puno lang talaga ng mga di mailabas-labas na hinanakit at hinaing ang aking damdamin ngayon.

Hinihintay kong makapag-online sa skype ang pinaka echosang mahal kong kaibigan. Pero busy pa ata sa kanyang bonding moments with friends, kaya dito na lang. Baka sakaling matulungan niyo pa ako.

Korni pala to. Bipolar-ish. Kaya beware na lang.

Ako ngayon ay. Rephrase that. I am currently in a. Hmm. I don't really know how to state this. Siguro nga, yan mahirap pag wala kayong label. Yes. I am in a relationship. But he's not my boyfriend yet. I'm not his girlfriend too. Oh di ba? Confusing? Special someone. Special siya sa buhay ko. Oo. Mahal ko. Pero natatakot lang ako minsang sabihin ang mga katagang I love you o ano pa man jan. Bakit? Mamaya na. Darating din tayo jan. Oo yun na. Basta ispesyal siya sa akin. M.U., more than friends, exclusively dating, tawagin mo na lahat. Yan. Pasok kami jan.

Ako din naman ang may gusto nito eh. Kung tutuusin, pwede ko na siyang sagutin. Pero may kasunduan lang talaga ako sa sarili ko na AYAW ko pang magkaroon ng boyfriend hangga't di pa ako tapos sa kolehiyo. KORNI KO NOH? Maria Clara 2013? Ewan ko ba sa akin. Saan ko ba to nakuha. Gusto ko lang din yun. And I don't want to break that promise. Weird na nga talaga siguro ako. Pwede na akong ipasok sa mental.

Eto ngayon, si special someone, si BOY 1, mabait naman siya. Understanding. Caring. Loving. Supportive. Napapatawa niya ako kahit napaka ewan na ng jokes niya. Walang problema. Ay hindi, kung walang problema, di dapat ako malungkot ngayon. So ano nga ba talaga ang problema?

Busy siya. Busy din ako. Busy kaming dalawa. Naiintindihan ko naman yun. Pero may mga oras lang talaga na, I am put into a fight versus myself. Why? Because my mind is not coinciding with what my hearts feels. Let me give you an example for a better understanding.

Yesterday, our department had a technical exhibit in one of the biggest malls here in the city. He's part of the main working committee because basically, he is the PRO in the student government in our school (School of Engineering and Architecture). So yeah. Very busy. In charge of something, of everything. Busy din naman ako. Klase sa umaga with matching PAASCU dialogue sa umaga then hosting gig doon din sa exhibit. Nung tapos na ang segment ko, ay ang saya ng puso ko. Iniisip niya na YES! Pwede kong ma invite si boy 1 kasi nasa mall na lang rin man kami, kain na lang kami. UNFORTUNATELY, may meeting pala sila pagkatapos nun. Nahulog ang mundo ni puso. No chance. Para naman kay isip, okay lang yan. Umintindi ka lang. Trabaho lang. Pero yun nga, conflict of interests na sila ni puso. Patay tayo diyan.

When he offered to accompany me on the way to the jeepney terminal, I refused. He insisted. I threatened him that I would punch him if he would insist more. Alam ko sasabihin niyo na napakatanga ko. Nag offer na nga yung tao, tinanggihan ko pa. Alam ko. Dahil yan din yung naramdaman ko nung ako'y naglalakad ng mag isa papunta sa sakayan. But I realized, I have done that because I don't want to miss him EVEN MORE. It's like yes he would accompany me but what? After? He would not go with me. He will just stay there. Go back inside because HE HAS A MEETING. So para saan pa na ihahatid niya ako? Maiwan na lang siya dun. Di pa sasakit lalo ang damdamin ko sa fact na di kami pwede magsama ng matagal. Pero meron din naman akong kadramahan side. Di naman talaga ako umuwi agad. I mean, nag lakad lakad pa ako. Pumunta pa ako sa 3rd flr. Umikot-ikot. Bakit? Tinext ko kasi siya kung pwede ba siyang tumakas. Bad influence na kung bad influence. Pero gusto ko lang talaga siya makasama kahapon. Halos tatlong linggo na rin kaming di nagkakasama. Ayun. But that whole time where I wandered around the mall, I didn't receive a reply. So I finally decided to go home, rode a jeepney, then mukmok dito sa bahay. Like inisip ko agad yung ginawa ko. Palaka. Nasabi ko sa kanya yun? Tumakas? Nagawa kong maglakad lakad para lamang maghintay sa text na alam ko naman ang sagot na hindi pwede? Eh tinanggihan ko nga yung offer niya na samahan ako, tapos ako pa may karapatang magalit?

That. That is the biggest question I am questioning to myself now. WHY? Why do I feel this way? Maybe I am a possessive person in my last life and it's reflecting now. But I have developed more my emotions that's why I know too that being possessive is bad. That demanding time with boy 1 is wrong when seriously, he has more important priorities to make. That's why I've told you earlier that it's a fight between heart and mind --- a fight between myself and myself. Heart wants to kidnap him yesterday so that we could be together but mind knows that it's wrong so no, go home and understand him. A fight between should I get mad at him or not? Bakit naman ako magagalit? Bakit naman ako hindi magagalit?

Kaya naman ngayon kelangan ko talaga ng napakagandang advice. Yung tipong malulunod ako sa words of wisdom. Eh pano, si pinaka echosang love ko na friend out of coverage area pa. Eto na naman tayo. Sa susunod na lang.

Tama nga rin pala. Wala akong karapatan. Di ko naman siya boyfriend. Kaya parang null and void lahat ng pinagsasabi ko dito. Bzzz.

Ang hiraaaaaaaaaap! Napakakomplikado! Pero ako lang din naman ata ang nagpapakomplikado sa sitwasyon ko. Napakahirap lang talagang kalabanin ang sarili mo. It's so hard to carry a thing wherein you are not used to carrying.

Takot pa rin pala akong masaktan. Akala ko okay na. Napakataas at napakalakas pa rin pala ng mga bakurang ginawa ko. Kaya siguro halos di ko masabi-sabi ang tatlong most essential words in a relationship.

I love you.



*straightjacket feeling*