magtatagalog ako ngayon. o baka taglish na lang. bahala na.
i want to cry. i feel like crying. i am on this time of my life where i feel the uncertainties crushing me --- they are drowning me.
to my mom and dad.
oo pinili kong mag ece. pero kasi kung pinili ko ang ibang kurso labas sa pagiging inhinyero o arkitekto, papayagan ba nila ako? naaalala ko pa noon, nabanggit kong gusto kong mag business administration. plano ko kasi mag MBA pagkatapos. pero ayaw nila. wala raw kasi kaming business. alam niyo bang pagiging CEO ng isang kompanya talaga ang ambisyon ko dati? pero binalewala ko na lang. tapos nalaman ko noong 4th year high school ako na may kursong multimedia arts. GUSTO KO YUN. gustong gusto ko yun. drawing, photography, art, anything bout expressing yourself. pero nalaman ko ding sa college of st. benilde lang pala siya offered. la salle. manila. eh di ko maiwasan eh. i mean, alam kong wala naman kaming ganoon kalaking halagang pera para mapag-aral nila ako sa CSB. naaalala ko talaga yung mga araw na nagcocompute si mommy ng gastusin para sa pag-aaral ko sa kolehiyo. natanggap din kasi ako sa up. oo iskolar ka ng bayan. pero papatayin ka naman sa gastos ng renta sa dormitoryo/bahay, allowance, projects, at kung ano ano pa. naalala ko talaga yun. may tatlong choices pinakita sa akin si mommy. up, addu, um. eh sa tatlo, malaki talaga ang matitipid sa um. kaya yun na lang pinili ko. kahit gusto kong mag addu noon, pinili ko ng mag um kasi ayaw ko na ng away o ano pa mang diskusyon. oo nag-aral ako dun. architecture. pero di ko rin nagustuhan. nafrufrustrate ako everytime i draw. it's like pinipilit ko ang hindi naman lumalabas sa aking mga kamay. kaya naisipan kong mag shift. masaya ako dahil sinuportahan niyo ako dun. pero di naman ako masaya dahil ang daming diskusyon na naman sa kung ano ang pipiliin kong kurso. i had 4 options then. pharmacy, psychology, computer engineering and chemical engineering. i remember again, when i told papa that i want to enroll in pharmacy somehow, he told me "wag yan." oh basta ganun. wag daw medical courses. ewan ko. basta yun. so binalewala ko na lang rin ang psychology. pharmacy nga ayaw, psychology pa kaya? ewan. ayun. eh di pumunta na ako sa engineering courses. nakita ko namang masaya si papa, kaya dun na lang din ako. ayaw din ata niya sa chemical engineering eh so sa computer engineering na lang ako pumunta. sinabi niya na kung mag cocomputer engineering ako, mag ece na lang daw ako. pumayag lang din ako. ewan ko rin sa sarili ko. di ako marunong makipaglaban. i don't know how to fight for what i really want. yun bagang kung saan sila masaya, dun na lang din ako kasi ayaw ko na ng mga diskusyon. kasi sa tuwing may mga diskusyong nangyayari, NAIIYAK AKO. di ko talaga yan mapigilan. tapos baka pagalitan lang nila ako pag umiyak ako. ewan. basta napaparanoid ako. natotrauma ako. duwag kasi ako. sobrang duwag.
pero me, pa. di ako nagrereklamo or what. pinapalabas ko lang ang nararamdaman ko. ang sakit sakit na kasi eh. di ko na kaya pang itago. pa, me, sa 4 na taon ko sa kolehiyo, napagtanto kong gusto kong magsulat. magsulat ng mga nobela, kwento, istorya. gusto kong maka-inspire ng mga tao sa pamamagitan ng aking mga salita. pero alam ko kasi, late na masyado. if i shift again today, sigurado akong magtatagpo na yang mga kilay niyo. so i thought, i'll just finish this ece. para naman mapasaya ko kayo. maging proud kayo sa akin. at siguro, pagkatapos kong mag ece, dun na ako magsusulat. mag-aral magsulat og magsusulat na talaga, di ko alam. basta yan muna ang plano ko sa ngayon.
me, pa, sorry. i really didn't mean to disappoint you. sorry kung nababad mood ako dahil sa studies ko. i know di ko dapat dinadala ang galit ko or what sa paaralan dito sa bahay. pero di ko lang talaga mapigilan minsan. sorry me. sorry pa. pipilitin kong maging matapang. para sa inyo lahat ito. i will really push myself to the limits because i want you to see me receiving my diploma this 2014. i really hope so.
to my teacher. to all my teachers. to all the teachers out there reading this.
i think it would be better if you lift your students, not degrade them further. you'll never know the future. you might need their help one day. you know, give and take. you help them today, they help you tomorrow.
when a student asks you, answer him/her properly. the reason why students ask is because they want to learn. it's just like your son/daughter asking you questions about little things they observe everyday.
as a continuation to the paragraph above, i think it would be better to treat your students as your sons/daughters. it helps much more. you became a teacher for a purpose. and one of that purpose is to share what you have, what you know. help the dreams of your students become a reality.
school is the second home of students. teachers are the second parents of the students.
give proper information. misunderstanding causes failure too.
teach them carefully. don't just give them a book to read. not all students understand the book. most understand better if someone will explain it to them.
be transparent enough in your grade calculations. don't ever let your personal stuffs affect your students grade.
most of all, love what you do. love your students. i hope there will come a time that you don't just teach for the money --- but you teach for the "passion". i hope there will come a time that you teach because to want to be one of the reasons why your student succeeded.
i don't know. these are just opinions coming from a student. but i hope these will help you become better, if not the best, teachers.
and yes, i plan to become a teacher when i finish ece.
*tears*